BOMBO DAGUPAN – Isang sasakyan ang umagaw sa atensiyon nang isang Highway Patrol Trooper na si Ryan Vanvleck sa Turner Turnpike, Oklahoma habang nagpapatrolya dahil may kakaibang tanawin siyang nakita.

Ito ay ang isang sasakyan na bumabagtas sa highway, at ang disenyo nito ay katulad ng mga karaniwang pagsasalarawan sa mga Unidentified Flying Object o UFO.

Pinara iyon ni Ryan kung saan nasa loob ng tila UFO na sasakyan ang dalawang indibidwal.

--Ads--

Napag-alaman na papunta pala ang mga ito sa New Mexico para dumalo sa Roswell UFO Festival.

Simula noong 1996, taun-taong ginaganap ang UFO festival na dinadaluhan ng mga aliens and extraterrestrial enthusiasts.

Kaugnay naman nito kaya pinahinto ang UFO-inspired na sasakyan ay dahil hindi masyadong kita ang plate number nito—na isang traffic violation.

Sa halip naman na isyuhan ng ticket dahil sa violation, pinaalalahanan nalang niya ang mga sakay at sinabing tiyakin na visible ang plate number.