Dagupan City – Kilalanin ang kauna-unahang babaeng nakapagtapos ng Barley Marathon.
Mga kabombo! Sinong mag-aakala na isang babae ang nanguna sa isang extra giving na Marathon?
Ops. Don’t get us wrong. Dahil talagang kahanga-hanga kung maituturing si Jasmin Paris, isang British ultra-marathon, sa kanyang tagumpay na manguna sa isang marathon. Kinilala siya bilang “first female fisnisher of the Barkley Marathons.”
40 ang kabilang sa patimpalak na ito na ginanap sa Frozen Head State Park sa Morgan County, Tennessee, USA. Kilala ang Barkley Marathon bilang pinakamahirap na Marathon dahil binubuo ito ng 5 loops at may layong 20 miles o 32 km ang isang loop. Bukod pa diyan, ang kanilang dadaanan ay hindi lamang basta-basta dahil marami rin silang pagdadaanang pagsubok.
Mula 2018, wala ni isa ang nakakatapos ng marathon at si Jasmin lamang ang kauna-unahang babaeng nakakompleto ng marathon.
Ayon kay Jasmin, bata pa lamang ay kinahihiligan na niya ang pagtakbo. Mahilig rin siya sa outdoor activities at sa murang edad pa lang naranasan na niya ang hiking.
Una niyang nalaman ang tungkol sa Barkley Marathons noong 2019 at napagdesisyonang sumali noong 2022. Bigo si Jasmin sa mga nauna niyang sali hanggang sa napagtagumpayan niya na ito nitong taon.
Aniya, hindi naging madali ang kanyang training at hindi naging biro ang kanyang mga pinagdaanan makamit lang ang kanyang tagumpay bilang “first female finishers of the Barkley Marathons.”