Dagupan City – Nagtalaga na ng bagong Prime Minister ng United Kingdom si Labour leader Keir Starme ng kaniyang mga bagong gabinete.
Ayon kay Ramil Isogon, Bombo International News Correspondent sa UK ito ang kauna-unahang gagawing trabaho ng Prime Minister.
Pinili nito si Rachel Reeves na Britain’s first female chancellor, Yvette Cooper bilang home secretary at domestic security and policy, David Lammy na bagong foreign secretary, at Angela Rayner na siyang deputy prime minister.
Ayon kay Isogon, ito na ang pinakabangong napaupong Labour Party mula noong 2007. Dahil mula 1997 hanggang 2007 kasi ay nanatiling Conservative party ang naihahalal sa pwesto.
Samanmtala, sa bungad ng kaniyang unang speech bilang Prime Minister sa No 10 Downing Street sa London, pinasalamatan ni Starmer si outgoing Prime Minister Rishi Sunak na kauna-unahang naging British Asian Prime Minister at pinuri ang mga tagumpay, dedikasyon at pagsisikap nito sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Habang nangako naman ito na muling niyang ibabalik ang tiwala ng kanilang mamamayan sa gobyerno sa ilalim ng kaniyang liderato sa gitna ng maling paniniwala ng maraming tao hinggil sa politika.
Samantala, ayon naman kay Grant Gannaban-O’Neill, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, “wrong move” ang ginawang pagpili ng Conservative party, mismong ang mga residente na ang pumili ng mga iloloklok sa pwesto.
Makalipas kasi ng 14 na taon aniya ay mga nakaupo lamang na mga liderato ang siyang pumipili ng mga papalit sa pwesto.
Nakikitaan naman aniya nila itong panibagong pag-asa para sa pagbabago ng nakaraang administrasyon upang mas matutukan pa ang sektor ng edukasyon, sektor ng kalusugan at ang economic issues.
Tinawag naman niya itong magandang balita para sa ilang mga Pilipino sa bansang UK dahil sa mas magiging magaan na ang kanilang pagproseso ng residency.