DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng West Central Elementary School ang nalalapit na pagbubukas ng panibagong School Year.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Santilla, Principal IV ng nasabing paaralan, on-going ang kanilang enrollment sa Kinder hanggang Grade 6 bilang preparasyon sa muling pagbubukas ng panibagong school year sa Hulyo 29.

Pinaalala naman ni Santillan, na kinakailangan aniya para sa mga papasok ng Kinder ang kanilang PSA Birth Certificate bilang patunay na naabot na nila ang 5 taon gulang, ang minimum age requirement.

--Ads--

Target naman ng kanilang paaralan na maabot ang higit 2,000 enrollees para sa taong ito.

Aniya, nais nilang mapanatili ang bilang ng kanilang mag-aaral noong nakaraang School Year.

Inaasahan naman ni Santillan ang pagdagsa ng mga enrolles sa huling linggo bago ang pagsapit ng pasukan. Gayundin, sa mga late enrollees.

Samantala, bago aniya magsimula ang pasukan, nakatakda naman ang Brigada Eskwela sa darating na Hulyo 19. Kung saan boluntaryo umanong makikiisa sa paglilinis ng mga paaralan ang mga Non-Government Organizations, volunteer private citizen, at maging mga guro at mag-aaral.

Nagpadala naman ng request ang kanilang Parent-Teachers Association sa Local Government Unit para sa kinakailangang pag-aayos sa mga kagamitan.

Subalit, sa kabuoan ay nakahanda na aniya ang mga silid-aralan para sa pasukan.

Sa kabilang dako, kasalukyang nakatutok ang West Central Elementary School sa kanilang learning Camp.

Ito ay ang programang magpapahusay ng mga reading skills ng mga mag-aaral na boluntaryong pumapasok kahit panahon ng bakasyon.