BOMBO DAGUPAN – Maayos na ang kalagayan ng mga naapektuhan ng Hurricane Beryl sa Carribean bagamat ay naging malakas ang pagtama ng nasabing bagyo.
Ayon kay Mayeth Dazo, Bombo International News Correspondent in Jamaica na noong martes pa lamang ay narelocate na ang karamihan sa kanila, ngunit naging cahllenge ang iba na ayaw umalis sa kanilang tahanan.
Aniya na handang handa naman daw ang kanilang gobyerno at noong miyerkules ay nagdeklara na sila ng 7 days disaster area at curfew mula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
Sa kasalukuyan ay sarado pa ang karamihan ng mga establisyemento maging ang mga bangko.
Samantala, ayon naman kay Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent in Trinidad and Tobago na matapos mapanood ng Philippine Embassy ang naging panayam sa isa sa mga pilipinong nasa st. vincent and the grenadines kaugnay sa isang pilipino sa canouan island ay umaasa ito na maaksyunan agad ang naging kalagayan nito.
Tuloy-tuloy naman ang pakikipagcoordinate ni Tulalian sa PH embassy at aniya ay agad naman silang umaaksyon.
Samantala, ayon naman kay Dion Sese, Bombo International News Correspondent in Cayman Island na tahimik daw sa kanilang kinaroroonan noong gabi ng Huwebes at bumulusok na lamang ang bagyo bandang alas 3 o alas 4 ng madaling araw. Humupa naman daw ito bandang tanghali ngunit nagkaroon naman ng precautionary check o emergency response kaagad.
Aniya ang lubusang naapektuhan ay sa south side kung saan may condominium at mga kabahayan na nasira ngunit hindi naman ganoon kadami.
Sa kasalukuyan ay back to normal na sa kanyang kinaroroonan at mabilis naman na natulungan ang mga nangangailangan.
Nananawagan naman ang mga ito na sana ay magkaroon ng immediate relief kung saan ay napag-usapan nila ang mga bagay na kailangang iprovide sa tuwing may mararanasang bagyo o hindi inaasahang pangyayari.
Naibahagi naman ng mga ito na may mga suhestiyon na sila kung paano ito gagawin at may naatasan na silang tao na gagawa ng budget ukol dito. Kaugnay nito ay kapag sumang-ayon ang lahat ng kanilang miyembro ay ipopropose nila ito sa Washington DC.