BOMBO DAGUPAN – Inaasahan na magiging epektibo sa hulyo 7 ang executive order no. 62 o ang pagbaba ng taripa ng imported na bigas.

Ayon kay Argel Cabatbat, Chairman Magsasaka Partylist na hindi pa man ito nagiging epektibo ay bumabagsak na ang presyo ng mga palay sa mga ilang lugar gaya ng Tarlac, Pangasinan at Nueva Ecija.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan aniya ay nagsampa ang kanilang grupo ng petition for certiorari sa korte suprema na magisyu ng temporary restraining order upang madeklara itong unconstitutional dahil una sa lahat ay wala namang naging konsultasyon sa mga stakeholders bago maproposed ang ganitong pagbabago sa taripa.

--Ads--

Aniya na dahil dito ay dadami na naman ang kakompetensiya ng mga local farmers at mas maliit ang makukuhang pondo ng gobyerno para sa mga magsasaka.

Matatandaan na simula nang ipatupad ang Rice Tarrification Law ay bumaba ang produksyon ng bigas kung saan ay bumagsak ang bilang ng mga gustong magtanim ng palay.

Pagbabahagi din nito na kapag hindi pinagbigyan ang kanilang petisyon ay magpupulong agad sila para mapakinggan ng gobyerno at mabawi ang batas na ito.

Bagamat hindi ito ang gusto ng mga magsasaka at ayaw nila na masira ang kanilang kabuhayan.