BOMBO DAGUPAN – Nagretiro mula sa paglalaro ng basketball ang all-time leading scorer ng Charlotte Hornets na si Kemba Walker.
Si Walker ay apat na beses na nakapaglaro sa NBA All-Star sa loob ng 12 season na kanyang inilaro sa NBA.
Naglaro siya ng walong magkakasunod na season sa Hornets mula 2011 hanggang 2019 at napunta sa Boston Celtics noong 2019. Nagtagal siya sa naturang koponan hanggang 2021 hanggang sa tuluyang na-trade sa New York Knicks.
Mula sa Knicks ay lumipat siya sa Dallas Mavericks sa 2022-2023 season
Ang 6-foot guard ay isa sa mga kilalang point guard sa buong NBA dahil sa liksi ng kanyang kilos at magandang shooting performance.
Sa loob ng kanyang karera sa NBA, hawak niya ang carreer average na 19.3 ppg.
Nagpasalamat din ang batikang guard sa mundo ng NBA.
Aniya, maraming nagawa ang basketball sa kanya at hindi niya inakalang maabot niya ang mga bagay na nagawa niya habang naglalaro sa liga.
Sa kanyang pagreretiro, sasamahan ni Walker si coach Charles Lee sa Hornets bilang player enhancement coach.