BOMBO DAGUPAN – Binatikos ng isang political analyst ang pahayag ni senador Imee Marcos na may 25 lugar sa bansa na posibleng target ng hypersonic missile ng China.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, kakaiba at hindi normal ang ginawa ni Marcos na ginamit ang social media.

Aniya, vital ang information at maaaring magbigay ng pangamba sa mga tao kaya ang marapat na ginawa ay dumeretso sa Armed Forces of the Philippines o AFP at National Security council para beripikahin ang ulat.

--Ads--

Hindi maalis aniya na mangamba ang mga tao dahil wala namang panlaban na armas ang bansa laban sa matataas na uri ng armas ng China.

Samantala, naniniwala rin si Yusingco na ang muling pag aaligid ng monster ship sa karagatan ng bansa ay pagpapakita ng lakas ng Beijing.

Nanawagan siya sa pamahalaan na dapat bigyang pansin ang naging pahayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na sinusubukan pasukin ng China ang iba’t ibang sektor ng bansa gaya ng edukasyon, negosyo maging ang media.