Dagupan City – Nanindigan ang grupong SINAG na dapat ay ibigay ang tarrif collection sa mga lokal na magsasaka sa bansa.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Indsutriya ng Agrikultura, patuloy ang kanilang isinasagawang pagbabantay at panawagan na sana’y ibigay ang tarriff collection na nararapat sa mga lokal na magsasaka, dahil malaking tulong ito sa lokal na agrikultura.

Aniya, umabot kasi sa higit 12 Bilyon na cash portion ang nakolekta noong 2023, kung kaya’t marapat na ibigay ito sa mga tunay na nagmamay-ari.

--Ads--

Binigyang diin naman nito ang kanilang isinulong na kasama na ang mga 3 ektarya pababa na pananim sa bibigyan ng tulong ng sektor.

Samantala, nanawagan naman si Engr. So, sa pamahalaan na sana’y itaas ang budget sa sektor ng agrikultura dahil ito ang mas higit na kailangan ng bansa.