FLORIDA, USA — Mga ka-Bombo, hanggang saan ang kakayanin ninyong hamakin dahil lamang sa online game?
Kakaiba kasi ang ginawa ng isang lalaki mula New Jersey dahil sa nakilala nitong lalaki sa isang online game na tinawag niyang “masamang tao”. At dahil dito, nakaya niyang bumyahe patungong Florida upang komprontahin ito sa kakaibang paraan.
Nagpaalam kasi ang online gamer na si Edward Kang sa kanyng pamilya na bibisitahin niya ang kanyang kaibigan sa Florida. Ngunit ibang klaseng kompromtasyon pala ang nasa isip ni Kang nang sumakay ito ng eroplano.
Dahil paglapag nito ng Florida, dumeretso ito sa isang hardware store upang bumili ng martilyo.
Ang pakay ni Kang? Isang komprontasyong nauwi lamang naman sa krimen.
Kamakailan ay nakatanggap ng 911 call ang mga awtoridad, at nang makarating sila sa address kung saan ito nanggaling, dito nila naabutan si Kang na nanloob sa bahay at pinagpupukpok ng martilyo ang nakilala nitong lalaki online na hindi na pinangalanan.
Ang dahilan ni Kang kung bakit nito nagawa ang krimen, ang nakilala nitong biktima online sa isang fantasy video game ay isang “masamang tao online”.
Sinampahan naman ito ng mga awtoridad ng kasong second-degree attempted murder at attempted burglary. Hindi naman ito nagpakita ng anumang kooperasyon s amga awtoridad at nananatiling walang abogado para sa kanyang kinakaharap na kaso.