BOMBO DAGUPAN- Ilalabas na bukas ang P27-billion na Health Emergency Allowance (HEA) para sa mga health worker.

Ikinasaya naman ito ni Philippine Federation of Professional Associations Board of Trustee Melvin Miranda dahil matapos ang matagal na paghihintay, maibibigay na din ito sa wakas. Gayunpaman, aniya, isa itong welcoming development para sa kanilang sektor.

Sinabi naman ni Miranda na kabilang sa mga naging dahilan ng pagkakaantala ay ang kakulangan sa requirements ng mga ospital na tumanggap ng mga pasenyente na tinamaan ng COVID-19.

--Ads--

Dagdag pa niya, malaking hamon ngayon ang pagproseso nito dahil dito nakadepende kung kailan maiaabot ang allowance ng mga health worker.