BOMBO DAGUPAN- Magsisimula na bukas ang unang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) laban kay Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi umano makakaligtas ang alkalde sa imbestigasyon dahil mayroon silang matibay na ebidensyang ihahain.
Matatandaan na maliban sa alkalde, akusado din ang 13 pang sangkot sa operasyon ng Zun Yuan Technology, dating Hingshen Technology.
Ito ay napag-alamang PHilippine Offshore Gaming Operator Hubs na sangkot sa mga iligal na aktibidad, kabilang na ang sapiliting pagtatrabaho, human traffickin, investment scams, at online fraud.
Matatandaan din na naghain ng reklamo sa DOJ noong June 21 ang Presidential Anti-Organized Crime Commission at ng Criminal Investigation and Detection Group laban sa alkalde.