BOMBO DAGUPAN- Patuloy pa din pinaghahanap ang 4 na crewship members ng isang barko sa St. Vincent and The Grenadines matapos lumubog ang kanilang sinasakyan dulot ng pananalasa ng Hurricane Beryl.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Edgar Mutya, Bombo International News Correspondent sa St. Vincent and the Grendines, naputol umano ang ankla ng barko at dahil sa malalakas na hangin, lumubog aniya ang nasabing barko.

Sinabi naman niya umaabot sa 90% ang kabahayan na labis nasalanta matapos manalasa ng Huricane Beryl, isa na umano sa malalang naapektuhan ay ang Union Island.

--Ads--

Kaugnay nito, wala na umanong matulugan at masilungan ang ilang residente kaya’t pansamantala aniya silang nananatili sa mga eskwelahan.

Gayunpaman, malayo man ang nasabing lugar sa main land, patuloy pa din ng mga tulong ang kanilang gobyerno.

Sinabi naman ni Mutya na naging maayos naman ang kalagayan ng mga kapwa Pilipino nito sa nasabing lugar.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Dion Sese, ang Bombo International News Correspondent sa Cayman Island, patuloy pa rin silang nakaantabay sa magiging kalagayan sa kanilang lugar dahil nararamdaman na umano ang malalakas na bugso ng hangin.

Gayunpaman, lumikas na umano ang mga Pilipino sa shelter dahil karamihan sa mga ito ay nakatira lamang sa madaling masira na kabahayan na matatagpuan sa low lying areas at coastal areas.

Sinabi naman ni Sese na naging maganda ang pagtugon ng gobyerno sa kanilang lugar dahil sa nakaraang karanasan sa malakas sa Hurricane.

Dahil dito, nagkaroon aniya ang kanilang lugar ng mga programa kabilang ng pagkakaroon ng regimen at curfew para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Nagpapaalala naman si Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent sa Trinidad and Tobago, sa mga kapwa Pilipino na patuloy makipag unagayan sa Philippine Community Leaders.

Ito ay upang patuloy ang kanilang monitoring sa kalagayan ng mga Pilipino.