BOMBO DAGUPAN – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malakas na ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Pangulo na isang malaking hakbang ang ginawang multi-billion fleet expansion ng kumpanyang Cebu Pacific.

Mahigit 100 eroplano mula sa kompanyang Airbus na nagkakahalaga ng $24 bilyon ang bibilhin ng CebuPac.

--Ads--

Itinuturing naman itong pinakamalaking aircraft order sa Philippine aviation history.

Inaasaghan na sa pamamagitan nito ay magiging competitive ang aviation industry ng bansa.

Sa hiwalay namang pahayag ni Chief Executive Officer ng CebuPac na si Michael Szucs, malaki rin ang tiwala nila sa takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.