BOMBO DAGUPAN – Matagumpay na isinagawa ang ikalawang State of the City Address ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez na may temang “Unaen su Baley”.
Inihayag ng alkalde ang tunay na kalagayan ng lungsod at ang mga kasalukuyang programa ng kanyang administrasyon kung saan binanggit niya rito ang mga accomplishments at prayoridad katulad na lamang ng flood mitigation, pagsasaayos ng drainage system, disaster resilience sa lungsod at iba pang mga proyekto na kaniyang tututukan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josefina Martinez President, Child Development Workers Dagupan City aniya ay makikita talaga kung gaano kamahal ng alkalde ang lungsod, lalo na ang mga bata.
Saad nito na laging nakasuporta at nakaagapay sa pangangailangan ng mga bata sa child development center si Mayor Belen.
Bukod pa dyan ay makikita ding mas madami ang dumalo sa kanyang ikalawang SOCA keysa noong nakaraang taon.
Samantala, hindi naman nakita ang majority 7 sa nasabing programa ngunit inaasahan na rin ng mga tao na hindi sila dadalo.