BOMBO DAGUPAN – Ito talaga ang planong ibigay.

Ito ang paniniwala ni Josua Mata, Secretary General ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) kaugnay sa P35 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.

Sa panayam sa kanya ng bombo Radyo Dagupan, binigyang diin ni Mata na walang silbi ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board dahil ang inaprubahang umento ay hindi makakabili ng kahit isang kilong bigas.

--Ads--

Samantala, ang hinihingi nila na 150 wage increase sa buong bansa, ay wage recovery lamang na maituturing dahil ang layunin ng hinihingi nila ay upang mabawi ng mga mangaggawa ang halaga ng kanilang sahod na kinain ng inflation.

Dapat aniyang ituloy ang panukalang legislative wage increase (LWC) na P150 pataas.

Sa kabilang dako ay kinalampag din ni Mata ang House speaker dahil mistulang hindi umano nakakaramdam ng pang unawa sa mga miminum wage earners dahil nananatiling nakabinbin ang P100 na wage increase bagamat nakalusot na sa senado.

Naniniwala siya na pag ginusto ng gobyerno at ng pangulo ay maipapatupad ang kanilang kahilingan.

Ngunit, hindi niya nakakasiguro dahil mahigit dalawang taon nang hinihingi ng labor group na makipagdayalogo ang pangulo sa mga lider ng paggawa pero hindi napagbibigyan na taliwas sa sinasabi niyang palaging nandiyan para tumulong sa mahihirap, ngunit hindi gawin ang napahalagang measures.