BOMBO DAGUPAN -“Exporting countries ang makikinabang partikular na ang bansang Vietnam”

Yan ang ibinahagi ni Cathy Estavillo Spokesperson, Bantay Bigas kaugnay sa executive no. 62 o ang pagbaba ng taripa ng bigas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan aniya ang maximum na P7 na pagbaba ng presyo ng palay ay tiyak na magdudulot ng kahirapan sa mga magsasaka gayundin ang pagkalugi sa kanilang ani dahil din sa Rice Liberalization Law.

--Ads--

Sa nagdaang 15 taon ay naranasan natin ang pinakamataas na presyo ng bigas bagamat ang mga traders, millers at importers ang may hawak ng presyo.

Ang kasalukuyang krisis sa agrikultura aniya ay dahil sa kawalan ng mga post harvest facilities, mechanical dryer para hindi mabarat ang presyo ng palay, development sa irigasyon para sa patubig ng mga pananim. Ang mga ito ay pangunahing problema lamang ng mga magsasaka na kapag naibigay ng gobyerno ay kayang kaya nilang likhain ang pangangailangan sa suplay ng bigas.

Samantala, ipinanawagan naman ni Estavillo na ibasura na ang Rice Liberazation Law at EO no.62 at gawing prayoridad ang sektor ng agrikultura kasama na rito nag pagbibigay ng subsidiya, pagsiguro na nabibili ng tama ang mga palay, maglagay ng buying station sa bawat barangay para doon dalhin ng mga farmers ang kanilang produkto.

Sambit niya na dapat ito ang solusyunan ng mga mambabatas at mga nasa gobyerno.