BOMBO DAGUPAN – Muling nagkasagupa ang mga kapulisan at protesters sa Kenya.
Nagmartsa ang mga protesters sa lansangan ng Mombasa ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Kenya.
Ipinapanawagan nila ang pagbabaa sa puwesto ni Kenyan President William Ruto.
Napilitan ang mga otoridad na gumamit ng tear gas at mga armas laban sa mga protesters na pilit na pumasok sa mga opisina ng gobyerno.
Nagpapatuloy pa rin ang kilos protesta kahit na nagpahayag ang pangulo ng Kenya na hindi na nito pipirmahan ang nasabing panukalang batas na naglalayong taasan ang buwis ng ilang pangunahing bilihin.
Base sa pagtaya ng Kenya National Human Rights Commission na aabot sa 39 katao na ang nasawi dahi sa kilos protesta na nagsimula pa noong Hunyo 18.
Karamihan sa mga nasawi ay naganap noong Hunyo 25 kung saan gumamit ng baril ang mga kapulisan laban sa mga protesters.