BOMBO DAGUPAN – “Bagamat ay hindi naman nasunod ang aming criteria na gusto ay mas okay ito keysa kay VP Sara.”

Yan ang ibinahagi ni Rep. France Castro, ACT-Partylist kaugnay sa pagkakatalaga ni Senator Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara bilang bagong Department of Education Secretary.

Aniya na may impormasyon, kaalaman at karanasan sa sektor ng edukasyon si Sen. Angara kaya’t ito ang kanyang magiging advantage.

--Ads--

Magiging challenge man aniya ang pagwewelcome sakanya dahil sa dami ng problema sa kagawaran ay panawagan naman nito na dapat ay maging more consultative ito sa sektor ng edukasyon.

Una ay dapat na resolbahin nito ang working conditions ng mga guro maging ang kalagayan ng mga estudyante, pangalawa; kailangang maevaluate at maassess ang k-12 program dahil aniya ay naging palpak ito at pangatlo; dapat ay makapagpropose siya ng mas mataas na budget sa nasabing sektor upang matugunan ang kakulangan sa mga classroom, textbook, teaching personnel at education support personnel.

Dagdag pa niya na kailangan niyang bumaba ni Sen. Angara sa ground upang malaman ang pangangailangan sa edukasyon at upang magamit niya ang kaniyang kaalaman at karanasan sa pagsisilbi sa nasabing sektor.

Umaasa naman si Castro na sana ay maabot nito ang mga inaasahan o expectations ng ating mga guro, estudyante at maging mga magulang.