Dagupan City – Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na ipatutupad na ngayong linggo ang opisyal na pagtatakda ng Project 29 sa Kadiwa Centers.

Matatandaan na nagkaroon ng special meeting ang mga opisyal ng departamento, sa pangunguna ni Agri Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., para plantsahin ang pinal na panuntunan sa programa.

Ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa, asahan na ang mas pinalawak na Kadiwa sa ilalim ng programa at malawakang bentahan ng P29 kada kilong bigas dahil hindi lang sa Metro Manila ipatutupad ang programa kundi sa ibang lugar sa labas ng NCR.

--Ads--

Dagdag pa rito, hindi lang bigas ang maisasama sa Project 29 kundi pati na rin ang ibang agri-fishery products.

Kaugnay nito kasama ngayon sa isinasapinal ng DA ang mga ipatutupad na adjustment sa bentahan para mas mapadali sa bawat sektor ang pagbili sa Kadiwa Centers.