NIGERIA — Hinihinala ng mga awtoridad na mga babaeng suicide bomber ang nasa likod ng serye ng mga nakamamatay na pagsabog sa Nigeria.

Magugunita na nasa 18 katao ang nasawi, habang sugatan naman ang 30 iba pa kung saan naganap ang unang pagsabog sa kasagsagan ng isang kasalan sa northeastern Borno state.

Sinabi ng emergency management agency ng estado na ang co-ordinated na mga pagatake ay tinarget ang isang kasalan, at ang isang ospital sa bayan ng Gwoza na malapit sa border ng bansang Cameroon.

--Ads--

Kinondena naman ni Nigerian President Bola Tinubu ang mga pagatake at tinawag ang mga ito na “desperadong mga gawa ng terorismo”.

Nangako ito ng mahigpit na pagtugon laban sa mga responsable sa nasabing mga pagsabog sa Gwoza.

Wala pa namang grupo ang nagsabing responsable sa pagatake, ngunit magugunita namang inako ng Nigeria-centered Islamic State West Africa Province (ISWAP) insurgents ang mga nakamamatay na pamabobomba sa Borno. (BBC)