BOMBO DAGUPAN- Huli na bago makita ang kadalasang nagiging kaso sa liver cancer.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor & Natural Medicine Advocate, kadalasan kase sa mga cancer, nagiging malalala na bago pa ito magpakita ng sintomas.
Katulad umano sa Hepatocellular cancer, ang karaniwang liver cancer, napapabayaan itong lumaki dahil wala ito sa lugar upang makakaapekto sa regular function ng katawan.
Ang ilang early sign of symptoms kase ng liver cancer ay kadalasang inaakalang normal lamang, kabilang na ang pangangati at pagkawala ng gana na kumain.
At sa tuwing lumalala na ito, nawawala na ang function ng liver na magdetoxify ng mga pagkain o inumin na pumapasok sa katawan.
Kaugnay nito, ang toxins na nakalagpas sa liver ang nagsisimula na makaramdam ang isang tao. Ito na umano ang sumasama sa dugo ng isang tao at madaanan ng toxins ang mga iba’t ibang organo sa katawan.
Maaari aniya itong mahantong sa pagkaramdam ng pagod at ang malalala, ma-comatose ito.
Binigyan linaw ni Dr. Soriano, nagdudulot ng liver cancer sa mga alcoholics ang hindi mapigilang pag-inom o adiksyon sa pag inom ng alak.
Gayunpaman, may mga ilang kaso din na nagmumula ang naturang sakit sa genetic disposition o ang pagkakaroon ng family history ng nasabing sakit.
Maliban sa nasabing sintomas, ang panghihina, pagsakit ng sikmura, ang paglaki ng tiyan, at paninilaw ng balat ay isa nang suspetya na mayroon nang iniindang liver cancer ang isang tao kaya mabuti na itong magpakonsulta agad.
Upang makumpirma, dapat aniyang magpadiagnose para matukoy kung apektado na ng toxins ang katawan ng isang tao.
Samantala, ani Soriano, curable ang nasabing sakit subalit nakadepende ang survivabbility ng isang tao kung maaga o huli na itong nalaman.
Gayunpaman, may kakayahan ang ospital sa bansa na gamutin ito subalit inaasahan ang mamahaling gastusin.
Sinabi din ni Dr. Soriano na malaking tulong ang pagsailalim ng liver transplant subalit aasahan pa umano ang gastusin nito kumpara sa kilalang pamamaraan.
Saad pa ni Dr. Soriano, mas maigi nang iwasan na lamang ang hindi makabubuti sa lifestyle ng isang tao upang maiwasan din ang naturang sakit.
Importante aniyang tigilan na lamang ang mga risk factors kabilang na ang mga bisyo, tulad ng pag inom at paninigarilyo.