BOMBO DAGUPAN – Nanawagan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa nalalabi pang kasapi ng New People’s Army (NPA) na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan sa Pantabangan, Nueva Ecija na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.

Taus pusong nakikiramay ang NTF-ELCAC sa naulilang pamilya ng 10 rebelde na nasawi sa bakbakan.

Sinabi pa ng task force na ikinalulungkot nila ang sinapit na trahedya ng mga rebelde dahil sila ay nalinlang ng mga maling ideyolohiya.

--Ads--

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nakasagupa nila ang Komiteng Rehiyon Gitnang Luzon ng NPA.

Narekober sa encounter site ang labi ng 10 rebelde kung saan pito dito ay lalake at tatlo naman ang babae.

Nakuha din sa lugar ang 14 high-powered firearms, kabilang na ang M203 machine gun, subversive documents at mga personal na kagamitan.

Wala namang naitalang casualties sa panig ng pamahalaan at mga sibilyan.