BOMBO DAGUPAN -Inihatid na sa huling hantungan ang labi ng isa sa nasawing OFW sa Kuwait na tubong Mangaldan sa kaniyang huling hantungan.
Si Engr. Edwin P. Petilla, 43-anyos ay isa sa mahigit 50 kataong nasawi sa nangyaring sunog sa isang residential building sa Kuwait.
Ibinurol ito sa kaniyang tahanan sa barangay Talogtog sa bayan ng Mangaldan sa loob ng 10 araw hanggang nito lamang umaga (June 29, 2024) ay tuluyan na nga itong inihatid sa kaniyang huling hantungan.
Sa pagdaraos ng kaniyang libing nakaantabay naman ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Local Government Unit ng Mangaldan, at ilang mga barangay officials ng Talogtog.
Samantala, ayon kay RJ Renon Representative, OWWA Region 1- Post Arrival Repatriation Center sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan bagamat ay hindi aktibo ang membership Petilla ay magbibigay parin sila ng tulong para sa mga naiwang mga kamag-anak.
Nagpaalala naman ito sa mg OFWs na magrenew ng OWWA membership every 2 years para ang mga benepisyong nakapaloob dito ay mapakinabangan.