BOMBO DAGUPAN – Matagumpay na isinagawa ng Office of the Civil Defense Region 1 ang 2nd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kung saan ito ay ginaganap quarterly o apat na beses sa isang taon.

Ayon kay Adreanne Pagsolingan, Spokesperson & Public Information Officer, Office of the Civil Defense Region 1 na isa itong harmonize national contingency plan upang mapaghandaan sakali mang magkaroon ng lindol sa bansa.

Aniya na mahalaga na nakikibahagi sa mga ganitong aktibidad ng gobyerno upang malaman kung ano ang maaaring gawin, kung saan pupunta at kung saan hihingi ng tulong.

--Ads--

Sakaling may maramdamang lindol, kahit hindi ganoon kalaki ang magnitude o intensity ay ugaliing magduck, cover and hold.

Samantala, sa Rehiyon 1 ay may mga binabantayang faults kabilang na dito ang Tubao fault, west ilocos valley fault, abra river fault, san manuel fault at east zambales fault.

Nagpaalala naman ito na ugaliing maghanda ng go bag kung saan doon ilalagay ang mga importanteng papeles o dokumento gayundin ang pera, pagkain, radyo at iba pa.