BOMBO DAGUPAN- Dapat ilipat nalang sa edukasyon ang pondong ginagamit sa insurgency war upang magkaroon ng sapat na budget ang DepEd at mawakasan na ang hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga rebelde.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ernesto Alcanzare, consultant ng DepEd National Employees union, hindi aniya ito mahalaga dahil wala naman talaga umanong sumosoporta sa armadong rebolusyon at matagal na itong nawala sa kaisipan ng mga Pilipino.

Hiniling na lamang niya na gamitin ang pondong ginagamit sa armadong rebolusyon sa paggawa ng karagdagang trabaho sa hanay ng edukasyon, partikular na sa mga non-teaching personnel na sasalo sa mga administrative works.

--Ads--

Wala kaseng kasiguraduhang may sasalo din sa naturang mga trabaho kung job orders lamang nag mga ipapasok.

Makakatulong man aniya ito sa mga guro na makapag-focus sa pagtuturo ngunit magiging problema naman kung kukulangin sa work force ang hanay ng edukasyon sa administrative functions.

May hangganan din kase ang kakayanan ng mga non-teaching personnel lalo na kung bilang lamang ang mga ito sa isang eskwelahan.

Kaya aniya, magiging hamon umano sa bagong papalit na kalihim ang pagpapataas ng budget ng kanilang hanay.