BOMBO DAGUPAN- Natapos na ang unang paghaharap nina incumbent President Joe Biden at former President Donald Trump para sa 2024 Presidential Elections Debate.

Ayon naman kay Gabriel Ortigoza – Bombo Intenational News Correspondent in USA sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan matapos ang paghaharap ng dalawa sa nangyaring debate ay naging direkta na sinagot ni Biden ang mga tanong sakanya habang si Trump ay iniiwasan naman ang mga tanong kung saan kung anong convenient lamang sakanya ang kaniyang sinasagot.

Aniya ay kung physical aspect lamang ang usapan ay mas malakas si Trump dahil si Biden ay nagkaroon uamno ng colds makalipas ang dalawang araw kaya’t medyo mahina ang kanyang boses at hindi ganoon kalinaw ang kanyang pananalita.

--Ads--

Napag-usapan sa nasabing debate kaugnay na ang nangyayaring mass shooting sa amerika kung saan si Biden ay hindi sang-ayon na bigyan o makabili ng baril ang mga American citizens na walang tamang background investigation. Samantala, si Trump naman ay sang-ayon na kahit sino ay pwedeng makabili ng baril.

Kaugnay nito ay gusto ng mga tao sa amerika partikular na ang mga magulang ng mga nasawing estudyante dahil sa mga mass shoting na dapat ay maregulate ang pagbebenta ng baril.

Samantala, si Trump ay naninidigan sakanyang pangako na “make america great again” habang si Biden naman ay ipagpapatuloy ang economic development, employment rate, at pagpapalakas ng foreign policy ng Estados Unidos.