Dagupan City – Nakikitaan ang 10-year employment plan para sa bansa ng pag-asa sa mga manggagawa sa bansa hinggil sa kakatapos lamang na National Employment Summit.

Ayon kay Jun Ramirez, Vice Presidente ng Federation of Free Workers, daan ito sa pagkakaroon ng trabaho sa Pilipinas, gayundin sa salary increases.

Aniya, ang P100 billion stimulus fund na panukala naman ng kanilang labor group ay upang masuportahan ang mga malilit na negosyo.

--Ads--

Dahil ang usapin sa contractualization ay upang mapunan ng gobyerno ang kakulangan ng employment rate sa bansa.

Kaugnay nito, binigyang linaw naman ni Ramirez na isa sa dahilan kung bakit bumababa ang employment rate sa bansa dahil sa mas pinipili na lang mga mangagaa na lumipat sa ibang bansa dahil na rin sa mas malaki ang sahod doon.

Kung kaya’t aniya dahil dito ay patuloy silang umaasa na mapataas pa ang sahod sa bansa upang kagit papaano ay lumapit ang datos sa living wage ng may pamilya na nasa tinayang higit P1,000 base na rin sa pag-aaral.

Samantala, suportadio naman ng Federation of Free Workers ang ipinahayag ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na 3 milyong bagong trabaho para sa bayan, dahil sa magandang inisyatibo ito upang tulungan at masolusyunan ang seguridad sa trabaho sa bansa.