Dagupan City – Tinitiyak ng pamunuan ng Barangay Malued sa lungsod ng Dagupan ang kahandaan sa anumang sakuna gaya ng pagbaha, sunog at lindol.

Ayon kay Pheng Delos Santos, Brgy. Captain ng nasabing Barangay nakaayos na ang mga kakailanganin nilang gamit o equipment sa kanilang lugar at mga pwedeng maipamigay sa mga taong mangangailangan.

Nakahanda na rin aniya sila ngayong tag-ulan kung saan nakaschedule na ang paglilinis ng mga drainage system, nagrequest na rin sila ng misting upang makaiwas sa pagdami ng lamok na may dalang Dengue habang sa pag-iwas naman sa leptospirosis ay humingi na din sila ng mga gamot na Doxycyline na maipapamigay sa mga taong maapektuhan ng baha.

--Ads--

Kaugnay nito, noong mga nakaraang mga taon ang barangay malued ay nasa 90-95 percent ang nalulubog sa baha ngunit ngayon dahil napataas na ang kanilang kalsada at naayos ang ilang creeks at deke gaya sa Mariposa River ay umaabot na lamang sa 25-30 percent ang naaapektuhan nito lalo ngunit kung mang-gagaling naman ang tubig sa Agno River ay medyo tataas ng kunti ang porsyento ng mababaha dito.

Sa kabilang banda, napaanatili naman nila umano ang kanilang pagsasaayos sa waste management dito dahil nasa 70-75 % ng kanilang mga kabarangay ay nagsesegregate, may mga projects din sila sa pagsasaayos ng tamang paggamit ng nabubulok na basura mula sa bio-waste papuntang bio-gas bilang fertilizer at naidagdag pa ang kanilang mga equipment na nakakatulong dito gaya ng truck na may compactor, shrider, at polvorizer kung saan inaayus na din nila ang kanilang material recovery facility para sa kanilang machines

Samantala, may mga on going pa silang proyekto na galing sa lungsod gaya ng mga pagpapataas ng bahaing lugar na hanggang baywang at pagsasagawa ng alternate route.

Suportado naman ng mga ito ang pagtatanim ng puno bawat bahay kung saan humingi na sila ng mahigit 100 seedlings mula sa City Environment and Natural Resources na sinimulan sa pakikipagtulungan ng mga eskwelahan kung saan ang mga grumaduate ngayong taon ay dapat magtanim ng kanilang bahay kung saan minomonitor ito ng kanilang barangay.