BOMBO DAGUPAN- Binabalak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumikha ng 3 million trabaho para sa mga Pilipino sa pagtatapos ng kaniyang termino.
Tinawag ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa 2024 National Employment Summit sa Manila noong huwebes, ang labor sector sa pag implementa ng “Trabaho Para sa Bayan” (TBP) Plan, isang 10-year roadmap na magsisibling gabay sa mas pinabuting employment generation and recovery.
Nais aniya nila makamit ang paggawa nh kalidad na trabaho, na may katiyakan sa kalagayan ng mga manggagawa, gayundin sa empowerment, competitiveness, at seguridad sa lahat ng sektor ng manggagawa.
--Ads--