BOMBO DAGUPAN- Tinalakay ang 10-year employment plan para sa bansa sa kakatapos lamang na National Employment Summit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Sonny Matula, President ng Federation of Free Workers, ito ay isa sa paraan upang magkaroon ng trabaho sa Pilipinas, gayundin sa salary increase.
Sa ilalim ng nasabing plano, magkakaroon aniya ng magandang pag ikot ng pera sa bansa na magdadagdag umano ng demand sa mga produkto at serbisyo sa Pilipinas.
Makakapagbigay sigla din naman aniya sa mga maliliit na negosyo sa bansa ang P100-million na karagdagang stimulus fund.
Sa suportang ito, magpapaunlad ito sa mga negosyo ng bansa na siyang maglalabas naman sa mga trabahong magbubukas para sa mga Pilipino.
Samantala, sinabi ni Matula, na tanging House of Representative na lamang ang balakid dahil inaprubahan na ng senado ang P150 minimum wage increase.
Maliban sa mga nasabing pondo, 16%-25% lamang na pagtaas sa sahod ang nasabing wage increase kaya naniniwala si Matula na kayang kaya itong ibigay ng mga kumpanya sa mga manggagawa.
Kaya iginiit niya na walang dahilan ang mga employer na hindi ito maibigay sapagkat nakakarecover na ang bansa mula sa Covid-19 Pandemic.