BOMBO DAGUPAN -May serye ng pagkakamali sa mga nagdaang mga taon, kung bakit lumaki ang problema sa West Philippine Sea
Ayon kay Denmark Suede – Bombo International News Correspondent sa Australia, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kung pagbabatayan ang mga pangyayari noon pa man, hindi consistent ang gobyerno sa kanilang posisyon habang ang China ay iisa lang ang pakay at ito ay para kontrolin ang buong West Philippine Sea at kunin ang mga likas na yaman doon.
Kanyang ibinabagi na matatandaan na noong 1991 ay 12 senator ang bumuto pabor para tangalin ang US military base sa clark sa Subic. Hanggang sa pagsapit ng taong 1995 ay naroon na ang chinese militia at People’s Liberation Army navy sa Mischief reef.
Noong 2005 ay pinirmahan naman ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang joint marine seismic undertaking na nangangahulugan na pinapayagan ang China na mag survey sa West Philippine Sea, kaya lang matapos ang ilang taon saka inihayag ng Korte Suprema na ito ay unconstitutional.
Ngunit atrasado na aniya dahil nakuha na ng China ang data.
Noong 2012 ay nagsimula na umano ang pag agaw ng China sa Scaborough shoal.
Kung matatandaan aniya ay nagtungo pa sa The Haque si dating pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagtindig niya laban sa China at para sa teritoryo ng Pilipinas. Panahon ni Aquino nang umabot sa arbitration ang sigalot ng Beijing at Manila sa West Philippine Sea, na kalauna’y naipanalo ng bansa.
Sa mga sumunod pang taon ay nag iba iba na ang pangulo ng bansa kung saan tinawag na pro china si dating pangulong Rodrigo Duterte at pro America naman ang administrasyong Marcos na may kinalaman sa usapin sa WPS.