Dagupan City – Tinututukan ng Pamahalaang lalawigan ng Pangasinan ang pagpasok ng mga kambing at cattle products hinggil sa umano’y banta ng Q fever.
Ayon kay Pangasinan Provincial Veterinary Officer Dr. Arcely Robeniol, bagama’t wala pang naitatala sa rehiyon partikular na dito sa lalawigan na kaso ng sakit na Q fever kung saan ay sa Marinduque pa lamang, ay hindi ito nangangahulugang magpakampante.
Binigyang diin naman nito na handa ang kanilang opisina sa ganitong uri ng banta kahit pa man noong wala pang mga napapaulat patungkol dito.
Paglilinaw naman ni Dr. Robeniol, Emergic Zoonotic Disease ito, nangangahulugang ang bacteria na nagmumula sa hayop ay maipapasa sa tao ngunit ang taong naapektuhan ng sakit ay hindi maaaring maipasa ang bacteria sa kapwa nito tao.
Katulad din ng ibang infectious na mga sakit, ang mga sintomas nito ay may pagkakapareho sa lagnat, fatigue at pag-ubo.