DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng oryentasyon ang Philippine Statistics Authority Region 1 dito sa Regency Hotel sa bayan ng Calasiao ukol sa Inflation and Data Dissemination of Provincial Product Accounts, Vital Statistics at Cereal Production sa buong Rehiyon Uno.

Dinaluhan naman ito ng ilang mga media practitioners dito sa Pangasinan upang mas maunawaan ang mga datos na maaring maibahagi sa mga indibidwal sa mga napapanahong usapin gaya ng inflation

Ayon kay Teresa B. Olarte ang Officer in Charge ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office 1- Statistics Operation and Coordition Division, na buwan-buwan ay mayroon silang derektiba na magsagawa ang mga opisina sa regional at provincial ng monthly press conference. Ito ay upang magkaroon umano ng insights kaugnay sa konsepto ng inflations.

--Ads--

Sa parte naman ng Provincial Product Accounts na tinalakay binanggit dito ang mga Gross Domestic Product ng bawat lalawigan sa Rehiyon upang mamonitor nila ang pagtaas at pagbaba ng bawat per capita na nakakapag-ambag sa kabuuan ng ating rehiyon.

Sa Cereal Products naman ay ang monitoring sa Palay Productions at Corn Production sa 4 lalawigan. Aniya, quarterly nila ito isinasagawa kabilang na ang performance ng probinsya sa produksyon nito.

Habang sa Vital Statistics naman, tinalatalakay ang records sa kasal at ipinapanganak.

Samantala, binahagi naman ni Olarte ang Provincial trainings na kanilang isasagawa kung saan kakatapos lamang aniya ang 4 na lalawigan sa Rehiyon 1.

Aniya, isusunod na nila ang City-Municipality Level. Kabilang umano dito ang mga hard services.