BOMBO DAGUPAN – Tuluyan ng naabswelto ang dating Senadora na si Leila De Lima matapos ang pitong taon na pagkakabilanggo mula sa lahat ng mga kaso na isinampa laban sa kanya na may kaugnayan sa droga.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Consititutional lawyer na nagpapatunay lamang ito na “justice system works” sa bansa dahil aniya ang isang kaso na wala naman talagang matibay na ebidensiya ay hindi mapapatunayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan ay ibinahagi nito na walang kwentang ebidensiya ang iprenesinta ng prosekusyon dahil matagal ng binawi ng mga witnesses ang kanilang mga statements ngunit nagpursige parin ang mga prosecutors sa pagtuloy ng kaso.

--Ads--

Aniya na hindi naman ito unique sa ating justice system sa iba’t ibang akusado.

Samantala, sinabi niya na sa muntinlupa kung saan ang mga nakapiit doon ay pinal na ang kanilang criminal cases kung saan ang mga ibang kaso ay non-bailable kahit may perang pang piyensa habang ang iba ay hindi kayang maka-afford ng bail dahil naman sa kawalan naman ng pera.