DAGUPAN CITY — Tiniyak ng Pamana Water District sa lungsod ng Dagupan ang mabilis na pagaksyon sa pagkumpuni ng nasirang transmission line matapos itong tamaan ng backhoe.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marge Navata, Spokesperson ng nasabing tanggapan, sinabi nito na magdamag ang naging pagkukumpuni sa nasabing transmission line upang mabilis na maibalik ang suplay ng tubig sa mga apektadong barangay.
Aniya na mabilis nila itong naipaalam sa mga opisyal ng lungsod at gayon na rin sa City Engineering Office para sa mas mabilis na pagkukumpuni sa transmission line.
Saad nito na magsasagawa naman sila ng operasyon nang sa gayon ay matukoy nila kung may mga barangay o lugar na kinakailangang suplayan ng tubig habang isinaasagawa ang pagkukumpuni.
Ani Navata na maituturing naman ang pangyayari bilang aksidente at hindi sinasadyang insidente kaya naman ay humihingi ito ng dispensa kung may mga residente o lugar man na makakaranas ng kawalan o mahinang suplay ng tubig.
Humingi rin ito ng mahabang pasensya sa publiko habang ginagawa nila ang lahat upang mapabilis ang pagsasaayos ng nasirang tubo.
Home Local News Mabilis na pagkukumpuni sa nasirang transmission line, tiniyak ng Pamana Water District