BOMBO DAGUPAN – Walang itulak kabigin ang Teachers Dignity Coalition sa dalawang taong inirekumenda ni House Ways and Means Chair at Albay 2nd district Representative Joey Salceda na sina Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera at Synergeia Foundation head Milwida “Nene” Guevara bilang mga posibleng kandidato para maging kalihim ng Department of Education
Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Benjo Basas, chairperson ng Teachers Dignity Coalition na kilala niya ng personal ang dalawa at pareho silang mahuhusay na lider.
Ibinahagi naman niya ang mga criteria sa pagpili ng kalihim ng DEPED kung saan dapat hindi pulitiko, may karanasan sa pagtuturo sa public school, may kakayahang mamahala ng kagawaran na mayroong mahigit 1 million employees at isang tao na maiintidihan ang kalagayan at sentimiento ng mga guro.
Bagamat mayroon naman silang personal na napupusuan na indibiduwal ngunit may mga nasa mataas pa rin ang siyang pipili.
Samantala, aminado naman siyang ikinagulat nila ang naging disisyon ni VP Sara dahil mabilis at hndi inaasahan ang pangyayari.
Sinabi nito na nataon ito sa panahon ng transition ng susunod na schol year, pagpapalit ng school calendar at maraming pending na policies.