BOMBO DAGUPAN – Tinanggap ni National People’s Coalition (NPC) Chair Tito Sotto ang rekomendasyon ni Tarlac Governor Susan Yap na tanggalin sa partido ang kontrobersyal na si Bamban Mayor Alice Guo.

Nauna rito ay may mga ilang mambabatas na rin ang gustong matanggal sa kanilang partido si Guo.

Matatandaan na naghain si Mayor Guo ng kanyang kandidatura bilang isang independent candidate noong Mayo 2022 elections at sumali sa NPC pagkatapos niyang manalo.

--Ads--

Si Guo ay kasalukuyan ngang iniimbestigahan ng Senado sa gitna ng umano’y pagkakasangkot niya sa mga operasyon ng Zun Yuan Technology Incorporated, isang POGO entity na ni-raid noong Marso para sa umano’y ilegal na aktibidad sa loob ng compound ng Baofu Land Development Inc. na matatagpuan sa likod lamang ng Bamban Municipal Hall.