DAGUPAN CITY- Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang isang 34 taon gulang na lalaki sa bayan ng Villasis matapos magkasa ng buy-bust operation ang mga otoridad.

Ayon kay PMaj. Edgar Allan Serquiña, Chief of Police, Villasis PNP, kinilala ang suspek na si Manuel Balverde alyas “Nonon”, driver, at residente ng Brgy. Citrus, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa nasabing buy-bust, napag alaman nila sa e-warrant mula sa Bulacan PNP na mayroon pa itong existing warrant of arrest na nahaharap sa kasong Attempted Homicide.

--Ads--

Ayon sa mismong suspek, pinasok lamang umano sila noong nagkakasiyahan sila sa kanilang bahay at self-defense lamang ang ginawa nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ito ng Villasis PS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act no 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs at Attempted Homicide. Mayroon din itong bail bond na P36,000 sa kasong attempted homicide.