Dagupan City – Prayoridad ngayon ng Local na Pamahalaan ng Calasiao ang pagpapatayo ng Super Health Center at magkaroon ng traffic lights sa naturang bayan.

Ayon kay Coun. Patrick Caramat, ang Liga ng Brgy Federation President, naipasa na ang annual budget ng bayan at may supplemental na rin na nagkakahalaga ng halos P22 milyon na gagamitin para sa health care facility ng bayan.

Matatandaan na ang Super Health Center ay isa sa mga proyekto ng yumaong dating Mayor Mamilyn “Maya” Agustin Caramat sa kanyang administrasyon.

--Ads--

Layunin nito na matulungan ang mga residenteng mangangailangan ng tulong para sa pagpapaunald ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.

Samantala, isa sa mga problema ng Lokal na Pamahalaan ay ang trapiko partikular na sa bahagi ng intersection ng Brgy Nalsian at San Miguel.

Ayon kay Caramat, tinutugunan na ang nasabing problema at sa katunayan ay naipaabot na ito kay Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III para sa tulong ng provincial government.

Aniya, personal nitong nakausap ang gobernador at binigyang diin ang proyekto sa traffic lights.