BOMBO DAGUPAN- Hindi umano nabibigyan halaga ang kapakanan ng mg magsasaka.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raul Montemayor, National Manager ng Federation of Free Farmers, ginagamit lamang ng gobyerno ang Rice Tarrification Law upang matugunan ang presyo ng bigas subalit wala namang paghahanda kung bumaba ang presyo ng palay.

Pinapalusot lamang umano ng pamahalaan na mas marami naman ang mamimili kaya sa magsasaka.

--Ads--

Ngunit hangad ng kanilang hanay ang balanseng pagtugon para mabawasan ang pinsalang nararanasan ng mga lokal na magsasaka.

Ikinadidismaya lamang nila na ito ang nagiging unang opsyon ng pamahalaan upang matugunan ang kinakaharap na krisis sa pagkain.

Samantala, ipinahayag ni Montemayor na hindi dapat manatiling tahimik lamang ang mga magsasaka at kailangan mag ingay upang ipaglaban ang kanilang karapatan.