BOMBO DAGUPAN – Nabangga ng isang van ang nakaparadang jeep sa kahabaan ng National Road sa Brgy.Sta Maria sa bayan ng San Jacinto.

Ayon kay Police Major Napoleon Velasco, Chief of Police San Jacinto na bandang alas 10 ng umaga nangyari ang insidente kung saan sumalpok ang isang van sa nakaparadang owner-type jeep.

Aniya na dahil sa impact ng pagkakabangga ay tumaob ang van sa daan na naging sanhi ng pagkakatamo ng mga sugat sa katawan ng driver at dalawang sakay nito.

--Ads--

Samantala, wala namang sakay ang nasabing jeep.

Dinala ng San Jacinto Rural Health Unit Personnel sa Manaoag Community Hospital ang mga sakay ng van para sa medikal na pagsusuri at paggamot.

Pareho namang nagkaroon ng pinsala ang dalawang sasakyan.