BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isang High Value Target Indibidwal (HVI) sa bayan ng Rosales sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PEMS. Marlon Palaruan, Chief Investigator, Rosales PNP, kinilala ang naaresto na si Nelita Bogate Bubay, 67 taong gulang at residente ng Brgy. PT Orata, sa lungsod ng Urdaneta.

Nakuhanan ang suspek ng dalawang malaki at dalawang maliit na heat-sealed na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 60 gramo na may tinatayang halaga na P408,000.

--Ads--

Samantala, pansamantalang nakadetene ang suspek sa Rosales MPS habang hinihintay ang commitment order bago mailipat sa BJMP.

Sa kasalukuyan ay dalawa na ang nahuhuli sa parehong kaso sa kanilang bayan ngayong buwan.