Dagupan City – Isa sa nagiging rason sa inisyatibang pag-angkat ng higit 360,000 metrikong toneladang bigas ay ang hindi pagtatanim ng mga magsasaka dahil umano sa pagbaba ng taripa sa bansa.
Ito ang ibinahagi ni Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) hinggil sa umano’y pag-apruba ng National Food Authority (NFA) Council na pagbebenta sa mga lumang NFA rice sa presyong P29 kada kilo na siya namang inaaral na ng Department of Agriculture.
Ayon kay Engr. So, mula kasi sa 4.2 Milyon MT ay inaktyat na ito sa 4.5 Milyon MT. At dahil dito, ang dating projection na 3.8 Milyon MT ay nagreresulta sa pagtaas na siyang nakikitaan ngayong taon (2024) na aabot na sa 4.1 Milyon MT.
Nangangahulugang kapag bumaba ang tariff ng magsasaka ay pipiliin na lamang nilang magtanim ng iba kaysa sa palay, kung kaya’t mababawasan ang produksyon ng bigas sa merkado.
Sa katunayan naman aniya, ang P29 pesos na subisidiya sa mga senior citizens at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ay hindi galing sa 15% na pagbaba ng tariff collections, bagkus ay mula sa subsidiya ng pamahalaan na layuning mapababa ang presyo ng bigas.
Samanatala, nababahala naman ito sa kalagayan ng mga magsasaka dahil sa pagbaba ng presyo ng palay.