Dagupan City – Mga kabombo! Siguro marami sa inyo ang magugulat kung makarinig kayo ng punong naglalakad.
Isang kakatwang giant tree kasi na may mga ugat na parang pares ng paa ang kinilala sa New Zealand bilang 2024 Tree of the Year.
Binansagan kasi itong “Walking Tree” dahil sa hitsura nito na parang naglalakad sa gitna ng malawak na kaparangan.
Ang kakaibang punong-kahoy na ito ay kayang mabuhay nang hanggang 1,000 taon.
Tinatayang may taas ito na 105 feet o 32 meters—katumbas ng isang seven-story building—ayon sa The New Zealand Tree Register, na catalogue ng mga heritage trees “of national importance” at mga locations nila.
Ayon sa ulat, nakakuha ito ng 42 percent ng public votes kaya ito nagwagi ng Walking parangal sa New Zealand Arboricultural Association’s (NZ Arb) Tree of the Year award.
Para mabuhay ang puno, kailangan ng northern rata ng host tree. Kahalintulad ito ng proseso ng Balete tree, pero ang northern rata ay sa ibabaw ng host tree nagsisimulang mabuhay habang gumagapang ang mga ugat nito pababa sa lupa.
Samantala, sa kasalukuyan ay pinapangalagaan ang mga puno ng northern rata sa New Zealand sa pamamagitan ng paglalagay ng metal band sa mga ugat nito para maprotektahan laban sa pag-atake ng possums.