DAGUPAN CITY — Matapos ang paghihintay ng may kaba sa dibdib, walang mapagsidlan ng tuwa ngayon ang isang mag-aaral mula sa Pangasinan State University-Urdaneta City Campus matapos itong makapasa bilang Top 7 sa Architecture Licensure Examination.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Harry Jae Osias, sinabi nito na pakiramdam niya’y naghintay ito ng napakahabang panahon bago lumabas ang resulta ng nasabing eksaminasyon.

Kaya naman nang makita nito ang resulta kung saan kabilang siya sa mga Topnotcher ay labis ang pagpapasalamat at galak nito.

--Ads--

Aniya na bagamat hinangad talaga nito na makabilang sa Top 10 ay hindi pa rin nito inasahan na makakamit niya ito lalo na’t nahirapan siya noong nagrerebyu ito para sa eksaminasyon.

Pagbabahagi nito na sinimulan nya ang kanyang pagrerebyu para sa Architecture Licensure Examination habang ito ay nagtatrabaho o tatlong buwan bago ang pagsusulit.

Inamin naman nito na na-pressure ito sa pagrerebyu dahil sa 14 na bilang nila sa mga batch ng graduates ay kabilang siya sa dadalawa na lamang na hindi pa lisensyado.