Dagupan City – Matagumpay na binigyang pugay ng Dagupeños ang ika-77th Agew na Dagupan sa anibersaryo nito sa pagiging opisyal na pagkakatatag bilang lungsod.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, malinaw na ito ang simbolo ng pagpapaalala sa lahat ng Dagupeño, lalo na sa mga kabataan kung gaano na kalayo ang narating ng lungsod ng Dagupan mula sa pagkakatatag nito.
Ang Dagupan ay pormal na idineklara bilang lungsod mula noong hunyo 20, 1947 sa bisa ng Republic Act No. 170, o Charter of the City of Dagupan na akda ni dating House Speaker Eugenio Perez Sr.
Kaugnay nito ay isang makabuluhang programa naman ang inihanda ng kanilang pamahalaan para sa Unliserbisyo para sa Dagupeños sa selebrasyon ng founding anniversary ng lungsod.
Isa sa mga ito ay ang temang pagbibigay ng galang sa mga dakilang ina, kung saan ay binigyang parangal ang nasa 31 mga ina sa lungsod sa kanilang sakripisyo at serbisyo bilang isang magulang.
Samantala, kaugnay sa selebrasyon ay nakaantabay naman ang iba’t ibang sektor gaya na lamang ng BFP Dagupan, hanay ng kapulisan, at iba pang mga sangay ng ahensya.