Makikita na sa lahat ng mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan sa estado ng Louisiana sa US ang poster ng Ten Commandments o Sampung Utos pagkatapos lagdaan ni Republican Gov. Jeff Landry ang nasabing batas.
Ang House Bill 71, na inaprubahan ng mga mambabatas ng estado kamakailan ay nag-uutos na maglagay ng isang poster-size na nagpapakita ng Sampung Utos na may “malaki at madaling mabasa na font” sa bawat silid-aralan sa mga paaralan na tumatanggap ng pondo ng estado, mula kindergarten hanggang sa antas ng unibersidad.
Bago pirmahan ang panukalang batas, tinawag ito ni Landry na “isa sa kanyang paborito.”
Naniniwala si Landry na upang igalang ang tuntunin ng batas, kailangan na magsimula sa orihinal na batas na ibinigay ni Moses sa mga tao na nagmula sa utos ng Diyos.
Samantala, may ilan naman civil rights groups ang komokontra sa nasabing kautusan.
Nilalabag umano nito ang paghihiwalay ng simbahan at estado na nakasaad sa unang pag-amyenda sa Konstitusyon ng US, ang tinatawag na Establishment Clause.