BOMBO DAGUPAN -Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na tinanggap na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang resignation ni Vice President Sara Duterte bilang Cabinet Secretary.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na alas-2:21 ng hapon kanina, nang magtungo sa Malakanyang ang pangalawang pangulo at inihain ang kaniyang resignation bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si VP Sara ang kasalukuyang kalihim ng Department of Education at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

--Ads--

Batay sa resignation letter, epektibo ngayon ang kaniyang pagbibitiw.

Tumanggi ang bise presidente na ibigay ang kaniyang dahilan kung bakit ito nag resign.

Magpapatuloy din ito na gampanan ang kaniyang trabaho bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Pinasalamatan naman ng Malakanyang ang naging serbisyo ni VP Sara habang nasa gabinete ito ng Pangulong Marcos Jr.