BOMBO DAGUPAN – Paiimbestigahan ni Senator Imee Marcos ang ulat sa ginawang paninira umano ng Estados Unidos sa COVID-19 vaccine ng China na Sinovac at pag-target sa lumalawak na impluwensya ng China sa mga Pilipino.

Dismayado ang senador sa nasabing report dahil buhay ng mga Pilipino ang naisangkalan sa isyung ito na nagresulta sa pagtanggi ng maraming kababayan na maturukan ng Sinovac laban sa virus nong kasagsagan ng pandemya.

--Ads--

Ipinatatakda ni Marcos sa June 24 ang imbestigasyon tungkol sa ginawang ‘secret campaign’ ng US laban sa China.

Umaasa si Marcos na makakahanap siya ng mga testigo para rito lalo’t aminado ang mambabatas na mahirap humanap ng ebidensya sa isyu.

Nanawagan din ang senadora sa Department of Health (DOH) na tulungan ang, sa nasabing imbestigasyon.